Ano ang magandang real estate investment para sa OFW's?
Ano ang magandang real estate investment para sa OFW's?
Kung isa kang OFW at nangangarap ka mag invest at gusto mo ng makapagsimula, magandang mag-invest sa memorial lots. Bakit? May ilang importanteng sagot diyan.
Una, abot kaya mo ang halaga ng memorial lot investment kaysa mag invest ka sa residential lot, house and lot or condominium.
Pangalawa, ito ay hulugan. Pwede mong bayaran buwan buwan hanggang sampung taon.
Pangatlo, hindi mabusisi mag-invest. Kaunti ang mga dokumento at wala kang titulong hihintayin dahil ito ay nakapaloob sa isang instrumentong nagpapatunay ng iyong pag-aari, at ora mismo ito ibinibigay ng developer.
Pang-apat. Panigurado ito kung ano mang mangyari sa iyo. Hindi natin kasi nakikita ang mangyayari bukas.
Pang-lima. Napakataas ng “value appreciation” nito kada taon na umaabot hanggang 20%.
0 Likes0 Replies