Cavite Mass Evacuation exercise
Ngayong Lunes ng umaga ay ibinahagi ni Governor Jonvic Remulla ang planong mass evacuation exercise ng mga bayan sa Cavite at Batangas para sa paghahanda sa posibilidad na pagputok ng bulkang Taal.
Ayon sa gobernador, makakasama ng Cavite LGUs sa naturang exercise ay ang mga lokal na pamahalaan ng Lemery, Taal, Laurel, Talisay, Agoncillo, Tanauan, at San Nicholas.
Bukod sa mass evacuation exercise ay naghanda rin ng “Pickup points kung saan susunduin ang mga taga-Batangas para dalhin sa Cavite; Evacuation centers kung saan titira ang mga evacuees; 500 government vehicles on standby for extraction purposes; 100 ambulances; Food supply para sa mga evacuees; at Testing centers para sa COVID-19” ang lalawigan ng Cavite.
“Ito po ay pinagkasunduan na as “institutional practice” o ang protocol para dito. Kada taon ay may simulation, preparation, and information campaign para sa lahat. Kahit sino man ang naglilingkod ay may “playbook” na susundan,” dagdag pa ni Remulla sa kaniyang post.
Sa huli ay sinabi ng gobernador na ang Cavite at Batangas ay magkapitbahay kaya’t natural lamang na magdamayan ang dalawang lalawigan sa mga ganitong pagkakataon.
“We can never prevent an eruption but we can always be prepared for one. Ang Batangas at Cavite ay malapit na magkapitbahay. Sa ating kultura ang magkapitbahay ay dapat laging nagdadamayan.”
Source: Governor Jonvic Remulla
0 Likes0 Replies