GABAY SA IBA’T IBANG URI NG MANOK
GABAY SA IBA’T IBANG URI NG MANOK
Ano ba ang unang unang naiisip mo kapag naririnig mo ang salitang manok? Hindi ba’t ang masarap ang karne nito? Ano ano ba ang ibat ibang uri ng manok sa mundo? Lahat ba ay inaalagaan dahil sa masarap na karne o may ibang purpose pa ang pag-aalaga ng manok? Alamin natin ang lahat ng ito sa ating pag-uusap.
ANO BA ANG MANOK?
Ang manok o chicken sa ingles ay isang uri ng domestikadong ibon na kadalasang kabilang sa mga pagkaing niluluto at inuulam ng tao. Tandang o rooster ang tawag sa lalaking manok, inahin o hen sa naman ang sa babaeng manok, at sisiw o chick para sa mga inakay o anak na ibon nito. Ang inahin na wala pang isang taonay tinatawag na dumalaga. Kapag mamula-mula o mala-ginto ang kulay ng tandang, tinatawag itong bulaw.
Kabilang ang mga manok sa poultry, mga ibong inaalagaan at pinalalaki para kainin. Manukan ang katawagan sa lugar na alagaan ng mga manok sa bukid.
IBAT IBANG URI NG MANOK AT MGA PANGALAN NITO
Napakaraming uri ng manok dito sa Pilipinas, ilan sa kanila ay inaalagaan at kinakatay para karne. Mayroon namang hindi puwedeng alagaan kagaya ng mga wild chicken, karaniwang naninirahan sa mga kagubatan. Nandiyan rin ang mga manok na ginagamit sa sabong. Ano anu-ano nga ba ang iba’t bang uri ng manok?
NARITO AN GAMING LISTA:
-
Leghorn chicken – Ito ay karaniwang manok dito sa Pilipinas. Ang itlog ng white Leghorn ay isa sa may pinakamaraming distribusyon ng itlog sa Pilipinas
-
Australorp – Ang lahi ng manok na ito ay galing sa Australia. Mahusay itong mangitlog at ang kulay ng itlog nito ay brown.
-
Plymouth rock chicken- Ang manok na ito ay galing sa Estados Unidos ng Amerika, May kakayahan rin itong makapag produce ng maraming itlog, at masarap rin ang karne nito.
-
Rhode Island Red – Ang lahi ng manok na ito ay galing Amerika. Ginagamit ang manok na ito para sa itlog at karne. May kakayahan itong mangitlog ng 260 brown eggs kada taon.
-
Cornish chicken – Ito ang isa sa mga lahi ng wild chicken, hindi ito inaalagaan ngunit may kakayahan rin itong mangitlog ng 180 kada taon.
-
Marans, Rosecomb, Asil Chicken, Jersey Giant, Ancona chicken, Cochin at napakarami pang iba.
Ito naman ang mga lahi ng manok na panabong. Hindi sila ginagamit para sa karne at dahil sa mga lalaking manok ito, ay hindi rin ito nangingitlog. Ginagamit sila para sa sabong isang uri ng combat sport para sa manok na kung tawagin sa ingles ay cockfighting. Narito ang ilan sa mga lahi nila:
-
Miner Blues, Hatch, Claret, Black, Round Head, at White Hackel, Sweater, Lemon
-
Mclean, kelso, at iba pa.
IBAT IBANG URI NG MANOK MGA PAKINABANG NG MANOK SA TAO
Napakalaki ng pakinabang ng manok sa mundo ng agrikultura at lalong lalo na sa mga tao. Nagsisilbi silang pagkain dahil sa karne at itlog nito. Maaaring gawing negosyo ang pag-aalaga ng katulad ng sa poultry at pag bebenta ng mga manok panabong.
0 Likes0 Replies-