Manigo Agri-Business Park Balungao, Pangasinan
Join Group

Back to Duck Raising

  • PAG-AALAGA NG ITIK: PAANO MAG-ALAGA NG ITIK

    PAG-AALAGA NG ITIK: PAANO MAG-ALAGA NG ITIK

    Ang pag aalaga ng itik ay isa ring magandang hanap-buhay, ang pinaka layunin sa pag aalaga ng itik ay ang itlog nito. Kumpara sa itlog ng manok, ang itlog ng itik ay mas malaki, mas masarap at mas hinahanap ng mga mamimili. Pero paano ba ang negosyo ng pag aalaga ng itik? Paano ba ang wastong pag aalaga nito?

    ANO ANG MGA KATANGIAN NG ITIK?

    Mayroong iba’t-ibang lahi ng itik dito sa Pilipinas, mayroong itik na inaalagaan upang gawing karne, at meron din namang uri ng itik na mangingitlog. Ang mangingitlog na itik ang mas kilala dito sa Pilipinas, Kaniwang mas malililit ito kumpara sa iba nilang uri, ngunit mas malaki naman ang itlog nila. Ang pangunahing kulay nila ay itim, abo, at batik batik. Ang itlog ng itik ay ang pangunahing itlog na ginagawang balot na paborito ng mga Pilipino.

    Isa sa mga katangian ng itik ay ang kakayahan nitong mangitlog araw-araw kapag busog ito. Ngunit ang mga itik ay hindi marunong mag limlim ng kanilang itlog, at hindi nila ugali ang alagaan at bantayan ang mga itlog nila. Kaya naman nangangailangan ang mga itik ng wastong pangangasiwa.

    PARAAN NG PAG-AALAGA NG ITIK

    Ang pag aalaga ng itik ay hindi maselan dahil hindi naman sila basta basta dinadapuan ng sakit. Ang mahalaga lang ay dapat palagi silang busog dahil importante ito sa kanilang pangingitlog. Kaya naman narito ang mga steps ng wastong pag aalaga ng itik:

    1. Bumili lamang ng paunang breeder sa maaasahang duck breeder. Sa breeding, sa bawat 5 babae ay may isang lalake. Mamili tayo ng breeder na masigla, malusog at walang diperensya.

    2. Alagaan at pakaining mabuti ang mga duck breeder hanggang sa mangitlog ang mga ito.

    3. Maaari rin na gumawa tayo ng tubigan o paliguan ng itik na may laking 10 piye ang lapad at 20 piye ang haba para sa 50 itik pero iyon ay optional, at hindi iyon makakaapekto sa pangingitlog ng mga itik.

    4. Ang itik ay mag-uumpisang mangitlog sa gulang na 4-6 months. Sa ibang mga breed ay inaabot ng 6-7 months.

    5. Pagaalaga sa mga itlog. Alagaan at ingatan ang mga itlog nito hanggang sa mapisa. TANDAAN: Gumamit ng incubator para sa pangangasiwa ng mga itlog hanggang sa mapisa ang mga ito.

    6. Ang mga sisiw ay kailangan munang painitan hanggang sila ay isang buwang gulang pa lamang. Ang temperature o init na kailangan ng mga sisiw ay 95 degree Fahrenheit para sa unang lingo, 90 degree Fahrenheit sa pangalawang lingo, 85 degree Fahrenheit para sa ikatlong lingo at 80 degree Fahrenheit sa huling linggo.

    Pagkatapos nito ay maaari ng pakawalan ang mga itik sa malawak nilang pastulan kagaya ng bukid o palayan, kung saan ay sila mismo ang mag-hahanap ng kanilang makakain. Pero bago mangyari iyan ay kakailanganin ng mga itik ang isang pastol upang magsanay at mangasiwa sa kanila.

    KULUNGAN NG ITIK: WASTONG PAG AALAGA NG ITIK

    Kailangan ng itik ang wastong pabahay upang mas maayos ang pag-aalaga sa mga ito. Ang bahay ng mga itik ay kinakailangang itayo sa mga lugar na hindi malapit sa daanan ng tao o sasakyan, may magandang bentilasyon, at maayos na daluyan ng tubig. Maaring gumamit ng lokal na materyales tulad ng kawayan, nipa, coco-lumber, pawid, at kogon. Ang mga materyales na ito ay mas mura at mas mainam gamitin para sa bahay ng mga itik kaysa sa ibang uri ng materyales. Ang dingding ay dapat bukas upang mapasok ng hangin. Karaniwang ginagamit na pangdingding ang silat ng kawayan, nilalang alambre at lambat na nylon.

    1. Ang pabahay na may sukat na 16 na metrong parisukat at 3 metro ang taas ay maaaring paglagyan ng 100 na itik. Kaya kung may 500 na itik, ang pabahay nito ay dapat na may lawak na 80 metrong parisukat. Ang masikip na lugar ay nagiging dahilan upang ang mga itik ay magtukaan at magkasugatan. Ang bawat itik ay dapat bigyan ng lugar sa kulungan na may luwang na 0.16 metrong parisukat.

    2. Ang lupa ay maaaring latagan ng malinis na bualaw, busal ng mais, balat ng mani at iba pang katulad na materyales. Ito ay ginagawa para mapanatiling tuyo ang sahig at maiwasan ang sakit.

    3. Lagyan ng bakod na net o kawayan na sapat lamang ang taas. Pagsama-samahin sa isang kulungan ang mga itik na iisa ang gulang. Nag-aaway-away ang mga itik na magkakaiba ang gulang kung magkakasama sila sa iisang lugar. Ang mga maliliit na itik ay tinutulak at tinutuka ng mas matandang itik at inaagawan ng lugar sa kainan.

    4. Madaling araw nangingitlog ang itik. Nangingitlog sila sa lugar na tinutulugan nila. Ang paglalagay ng ipa o kusot sa lugar na ito ay makakatulong nang malaki para sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga itlog at maging ng kulungan ng mga itik.

    https://pagsasaka.info/pag-aalaga-ng-itik/

    0 Likes
    0 Replies
    Join Group

    Recent Related Properties

    Active
    Priority Assistance
    ₱ 90.0 million₱ 1,500/sqm
    For Sale Raw Land
    6 hectares
    San Fabian Pangasinan
    Updated 1 hour ago
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 2.25 million₱ 150/sqm
    For Sale Farm Lot
    1.5 hectares
    Balungao Pangasinan
    Updated 1 hour ago
    Active
    Priority Assistance
    Pre-Selling
    ₱ 1.79 million
    For Sale New Residential Condo
    Studio 1 Bathroom 19 sqm.
    Urdaneta Pangasinan
    Updated 1 hour ago
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 8.00 million₱ 876/sqm
    For Sale Lot
    9,130 sqm.
    Aguilar Pangasinan
    Updated 1 hour ago
    Active
    Priority Assistance
    Pre-Owned
    ₱ 4.00 million
    For Sale Pre-Owned Single Attached House
    2 Bedrooms 1 Bathroom 120 sqm.
    Lingayen Pangasinan
    Updated 1 hour ago
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 17.0 million₱ 23,876/sqm
    For Sale Commercial Lot
    712 sqm.
    Alaminos Pangasinan
    Updated 1 hour ago
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 4.80 million₱ 300/sqm
    For Sale Residential Farm
    1.6 hectares
    Bugallon Pangasinan
    Updated 1 hour ago
    Active
    Priority Assistance
    Pre-Owned
    ₱ 6.20 million
    For Sale Pre-Owned Single Detached House
    3 Bedrooms 2 Bathrooms 150 sqm.
    Balungao Pangasinan
    Updated 1 hour ago
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 8.60 million₱ 200/sqm
    For Sale Farm Lot
    4.3 hectares
    Umingan Pangasinan
    Updated 1 hour ago
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 717 million₱ 300/sqm
    For Sale Farm Lot
    239.12 hectares
    Santa Barbara Pangasinan
    Updated 1 hour ago
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 11.3 million₱ 1,700/sqm
    For Sale Commercial Lot
    6,636 sqm.
    Basista Pangasinan
    Updated 1 hour ago
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 39.0 million₱ 1,343/sqm
    For Sale Agro-Industrial Farm
    2.9 hectares
    Malasiqui Pangasinan
    Updated 1 hour ago