Back to Vegetable and Fruit Farming
VEGETABLE FARMING BUSINESS: PARAAN NG PAGTATANIM NG GULAY SA BAKURAN
VEGETABLE FARMING BUSINESS: PARAAN NG PAGTATANIM NG GULAY SA BAKURAN
Sa dami ng iba’t-ibang sakit na nagsisilabasan ngayon, marahil malaki ang ambag ng uri ng mga pagkain ang na ating kinakain sa pagkakaroon ng malulubhang sakit. Nangunguna diyan ang nakakatakot na kanser at iba pa. Kaya naman napakahalaga sa atin ang kumain ng gulay at bukod pa riyan ay maaari rin gawing negosyo. Alamin natin kung papaano.
ANONG GULAY ANG MAAARING ITANIM?
Ano-ano ba ang iba’t-ibang uri ng halamang gulay ang pwede nating itanim mapanegosyo man o pang personal na pangangailangan? Sigurado akong narinig niyo na ang kantang bahay-kubo.
Ang halamang gulay ay pagkaing halaman, pwede itong dahon, bunga o ugat na magsisilbing pagkain. Mga halimbawa ng mga halamang gulay ay ampalaya, kamatis, talong, okra, pipino, repolyo, kalabasa, pechay, malunggay, sayote, bawang, sibuyas, luya at napakarami pang iba. Iilan lamang yan sa daang daang uri ng mga halamang gulay na pwede nating itanim bilang isang negosyo o kaya naman ay pan sariling pagkain.
VEGETABLE FARMING BUSINESS: PARAAN NG PAGTATANIM NG GULAY
Marami sa ating mga magsasaka ang may ugaling pagkatapos ng pagtanim ay hahayaan na lamang ito hanggang sa anihin. At kahit sa ating mga bakuran ay nangyayari rin ito aminin man natin sa hindi. Ito ay dahil sa mataba raw ang lupang pinagtatamnan kung kaya’t ano man ang kanilang itinanim ay mabubuhay ito kahit kulang sa pagaalaga. Pero tama ba ang ganitong pananaw? Hindi ba dapat kailangan din ng mahusay na sistema sa pagtatanim? Ano-ano ba ang mga paraan ng pagtatanim ng gulay na makakatulong sa ating mga kababayan na nais pasokin ang vegetable farming business.
Kailangang pili ang mga buto, o binhi, o punla ng mga halamang gagamitin sa pagtatanim. Napakahalaga ng binhing gagamitin sa pagtatanim, kinakailangan ay malusog ito at hindi dinapoan ng sakit. Maaring gamitin ang binhing galing sa pinag anihan kung maganda ito. Maari ring bumili sa pamilihan.
Paghahanda ng lupang pagtatamnan o plotting. Kailangan ay may nakatakdang lupang pagtataniman. itatakda, susukatin at lilinisin ang lupang napili. Mamarkahan iyon, saka bubungkalin at paluluwagin ang lupa. Aalisan iyon ng mga kalat, damo at ugat-ugat. Madalas, ang plot ay siya na rin mismong seedbed. Ngunit, depende rin sa halaman. May mga halamang hiwalay ang lupang pinagpapatubuan o nursery ng binhi, doon sa mismong pagtataniman at pagpapalaguan ng halaman. Palalakihin muna ang seedlings o saplings , saka ililipat o ita-transfer sa kanilang designated plots.
Kailangan ay mamasa masa o moist ang lupa. Napakahalaga rin nito sa pagtatanim ng mga binhi. Kailangan ng binhi ang medyo basang lupa upang mas kumapit siya rito. Kung tuyo ang lupang pagtataminan ay maaari ring basain ito bago tamnan.
May sapat na distansya ang halaman sa bawat isa. Importante ito upang huwag mag agawan sa sustansya ang mga pananim. Kagag dikit dikit kasi ay siguradong magaagawan sila sa nutirents na galing sa lupa kaya nagiging resulta ito ng pagkabansot ng ibang halaman.
May mga halamang minsan lang kung itanim pero maraming taon bubunga. Perennials ang tawag sa kanila. Ang mga halimbawa nito ay ang niyog, papaya, kalamansi at paminta. Mayroon namang kailangang itanim kada taon pag season ng taniman o planting. Seasonals naman ang tawag dito. Ang karaniwang mga halimbawa nito ay ang ilang varieties ng luya, luyang-dilaw, kamote at kamoteng-kahoy. Ganoon din ang okra at talong.
Regular na pag didilig sa halaman. Ang pag didilig ng halaman at ang dalas ng pagdidilig dito ay depende rin siyempre sa uri o klase ng halaman. Mayroon kasing mga halaman na nangangailangan talaga ng maraming tubig upang mabuhay, at mayroon rin naman na sapat at tama lamang.
Pagtanggal ng damo sa taniman. Mahalagang isagawa ito dahil kapag pinabayaan lamang ang damo ay siguradong matatalo nito ang iyong mga pananim at maaagawan sila ng sustansya. Marami rin namang paraan ng pagtanggal nito, nandiyan ang mano manong pagtanggal at kung marami ang damo ay pwede rin bumili ng gamot laban dito.
Paglalagay ng insecticides, pesticides at pataba. Huwag na huwag itong kakalimutan dahil nakasalalay dito ang iyong ani. Ang pangkaraniwang alituntunin, pag insekto ang sinusugpo, insecticide ang gagamitin. Kapag peste naman, pesticide, siyempre. Karamihan sa mga peste ay fungi, galing mismo sa punla o sa lupang pinagtataniman.
Ngayong alam niyo na ang mga importanteng bagay na kailangan malaman sa pagtatanim, kailangan na lamang isa isip ang mga ito.
PAGTATANIM NG GULAY SA BAKURAN
Maganda sa bawat pamilya ang may sariling bakuran na pwedeng pagtamnan ng mga gulay. Dahil sa ganitong paraan ay makakapag pamili ka ng uri ng gulay na iyong itatanim, bukod pa diyan ay makakasigurado kang malinis at hindi bugbog sa kemikal kumpara sa mga gulay na nabibili sa palengke. Kaya naman kung ang pagtatamnan mo ay sa bakuran lamang ng iyong bahay ay mas makakabuti na organikong pampataba na lamang ang gamitin. Lalo at hindi naman pang maramihan ang iyong tanim. Ano-ano bang mga gulay ang maganda at madaling itanim sa inyong mga bakuran?
Ang pagtatanim nito sa inyong bakuran ay wala rin siyempreng halos pagkakaiba sa pagtatanim sa komersyal na lugar na kailangan ng wastong pag-aalaga.
NARITO ANG MGA URI NG HALAMANG GULAY NA PWEDENG ITANIM SA INYONG BAKURAN:
-
sibuyas
-
kamatis
-
talong
-
pipino
-
pechay
-
upo
-
patola
-
labanos
-
bataw
-
patani
-
at marami pang iba
0 Likes0 Replies